COTABATO CITY (February 7, 2028) — Isa na namang malaking grupo ng mga babaeng buntis at mga batang hindi malusog ang tumanggap ng ayudang bigas at iba pang food supplies nitong Huwebes, February 5, kaugnay ng health and nutrition programs para sa mga marginalized families ng tanggapan ni Bangsamoro Member of Parliament Kadil Sinolinding, Jr.
Abot ng 312 na mga babaeng Moro na buntis at 18 na mga malnourished na mga bata sa bagong tatag na Pahamuddin municipality na sakop ng Bangsamoro government, ngunit nasa loob ng teritoryo ng Cotabato province sa Region 12, ang nakabenepisyo sa humanitarian mission sa naturang lugar nitong Huwebes ng public service team ni physician-ophthalmologist Kadil Sinolinding, Jr., miyembro ng regional parliament.
Ang mga medical missions at mga public health promotion activities ng tanggapan ni Sinolinding sa mga liblib na pook sa walong bagong Bangsamoro municipalities sa probinsya ng Cotabato, naka-grupo bilang Special Geographic Area, ay suportado ni BARMM Chief Minister Abdulrauf Macacua.
Sa ulat nitong Sabado ng mga local executives sa Pahamuddin, kabilang sa kanila si Mayor Yasser Ibrahim, tumulong sa humanitarian mission ng public service team mula sa tanggapan ni Sinolinding, para sa 312 na mga buntis at 18 na mga malnourished children, ang kanilang municipal health officer na si Doctor Pancho Cruz at iba pang mga kawani ng kanilang municipal government.
Mahigit 3,000 na na mga buntis at hindi bababa sa 1,000 na mga malnourished children sa Bangsamoro Special Geographic Area ang naka-benepisyo na, sa mga food and health supplement distribution, ng mga tanggapan ni Sinolinding at Macacua mula 2023.
