P2.5-M shabu, nakumpiska ng PDEA-10

Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-10 ang abot sa P2.5 million na halaga ng shabu sa dalawang dealers na kanilang nalambat sa Barangay Maranding sa Lala, Lanao del Norte nitong Sabado, July 12, 2025.

Naikasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkaaresto sa dalawang suspects, sina Abdullah Diamla, 38-anyos, at ang kanyang dalagang kasabwat, ang 29-anyos na si Jenjie Dael, sa tulong ng multi-sector Lanao del Sur Provincial Peace and Order Council at ng mga municipal officials sa Lala.

Kinumpirma nitong Linggo ng mga opisyal ng PDEA-10 at ng Lanao del Norte Provincial Police Office na naka-detine na ang dalawang suspects, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Agad silang inaresto ng mga PDEA-12 agents at ng mga operatiba ng Lala Municipal Police Station at ng Lanao del Norte Provincial Police Office na kanilang nabentahan ng P2.5 million na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa isang lugar sa Barangay Maranding.

Sa ulat ng regional office ng PDEA-10, ang naturang matagumpay na entrapment operation ay naisagawa batay sa ulat ng mga local executives sa Lala at mga provincial officials sa Lanao del Norte hinggil sa malakihang pagbebenta ng shabu ng dalawang suspects. (July 13, 2025)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *