COTABATO CITY (February 17, 2026) — Karagdagang 78 pa na iba’t-ibang uri ng armas pandigma, kabilang ang grenade launchers at 60 millimeter mortar, ang isinuko nitong Lunes ng mga residente ng tatlong bayan sa probinsya ng Maguindanao del Sur kaugnay ng disarmament program ng militar at ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity.
Sa ulat nitong Martes ni Army Lt. Gen. Donald Gumiran, commander ng Western Mindanao Command, ang boluntaryong pagsuko ng mga combat weapons ng mga residente ng South Upi, Talayan at Talitay ay kanilang tugon sa Small Arms and Light Weapons Management Program na magkatuwang na ipinapatupad sa Maguindanao del Sur ng OPAPRU, ng WestMinCom at ng 6th Infantry Division na pinamumunuan ni Major Gen. Jose Vladimir Cagara.
Ang kabuuang 78 na mga combat weapons na isinuko ng mga residente ng naturang tatlong mga bayan ay kinabibilangan ng mga M16, M14, M1 Garand, Carbine at M203 assault rifles, mga gauge 12 shotgun, mga grenade at rocket launchers, M60 mortar, mga .38 caliber revolvers at mga .45 caliber pistols.
Sa South Upi, 43 na ibat-ibang combat weapons ang ipina-kustodiya ng mga residente nitong lunes sa 57th Infantry Battalion, sa pakiusap ng commanding officer nitong si Lt. Col. Aeron Gumabao, ni Brig. Gen. Michael Santos ng 603rd Infantry Brigade at ng mga local executives at traditional community leaders sa naturang bayan.
Ang South Upi ay balwarte ng mga katutubong Teduray, isang non-Moro indigenous community sa Maguindanao del Sur na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon kay Cagara, na commander din ng anti-terror Joint Task Force Central na saklaw ang lahat ng mga lungsod at probinsyang nasa teritoryo ng 6th ID, 17 na mga combat weapons, kabilang ang isang 60 millimeter mortar, ang isinuko ng mga residente ng Talayan sa mga officials ng 1st Mechanized Infantry Battalion sa hiwalay na seremonya nito ring Lunes sa sentro ng naturang bayan.
Ayon kina Gumiran at Cagara, nagtulungan ang mga officials ng 1st Mechanized Infantry Battalion, sina Lt. Col William Sabado at Captain Reggie Espinosa, si Mayor Tungkang Midtimbang at ang commander ng 601st Infantry Brigade na si Brig. Gen. Edgar Catu sa pag-kumbinsi sa mga residente ng Talayan na isuko ang kanilang mga armas pandigma bilang pagtalima sa disarmament agenda ng SALW Management Program ng WestMinCom at ng OPAPRU.
Sa bayan ng Talitay, na malapit lang sa Talayan, 18 na mga assault rifles, grenade at B40 rocket launchers naman ang boluntaryong pinakustodiya ng mga residente sa 1st Mechanized Infantry Battalion sa hiwalay na firearms surrender ceremony nito ring Lunes, resulta ng pagtutulungan nila Catu, Sabado at local officials sa pagpapatupad ng SALW Management Program sa naturang predominantly Moro municipality.
Ang SALW Management Program ay magkatuwang na ipinapatupad, mula noong July 2024, ng WestMinCom at ng OPAPRU at ng ibat-ibang Army units sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at sa Regions 9 at 12.
Makikita sa larawan si South Upi Mayor Helen Padua, chairperson ng kanilang multi-sector municipal peace and order council, na kabilang sa mga nag-presenta ng 43 na mga armas na pandigma na sa mga officials ang 57th IB at ng 603rd Infantry Brigade nitong Lunes sa isang surrender rite na isinagawa sa sentro ng kanilang bayan. [][][]
