7 na-ospital sa aksidente sa Palawan

Pitong tao, kabilang ang isang driver, ang isinugod sa pagamutan sanhi ng pagbaliktad ng isang truck sa provincial road sa Barangay New Agutaya sa San Vicente, Palawan nitong madaling araw ng Linggo, August 3, 2025.

Sa mga hiwalay na ulat ng San Vicente Municipal Police Station at ng Palawan Provincial Police Office nitong Lunes, nawalan ng control ang driver ng Isuzu Forward truck, may kargang construction materials, dahil sa mechanical trouble kaya ito gumulong at lumagpak ng patihaya sa tabi ng highway sa Sitio Itabiak sa Barangay New Agutaya.

Maagap namang nakaresponde sa insidente ang mga tropa ng San Vicente MPS at mga kawani ng local government unit ng naturang bayan at kanilang agad na naisugod sa San Vicente District Hospital ang pitong mga biktima ng aksidente upang malapatan ng lunas.

Ayon sa mga imbestigador ng San Vicente MPS, ihahatid sana ng driver ng naturang truck ang karga nitong construction materials sa Sitio Landing sa Barangay New Agutaya ng maganap ang aksidente.

Ang mga sakay nitong anim na nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan ay nasa cargo deck, sa likuran ng driver, ng ito ay bumaliktad. (Handout photo, August 5, 2025, San Vicente, Palawan)

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *