Abot ng 536 na mga residente ng tatlong mga barangays sa Cotabato City na may iniindang mga karamdaman ang nasuri at nabigyan ng libreng mga gamot sa mga hiwalay na panibagong medical missions ng pangkat ng isang abugadong kasapi ng Bangsamoro parliament at ng mga kawani ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MoH-BARMM)
Iniulat nitong Miyerkules, August 13, ng mga tanggapan ng regional lawmaker na si Naguib Sinarimbo at ng kanilang chief minister na si Abdulrauf Macacua na naisagawa ang mga outreach activities mula Sabado hanggang Lunes sa Barangays Rosary Heights 10, Kalanganan 2 at Mother Barangay Tamontaka kung saan 536 na mga residente ang nakinabang.
Magkatuwang sa naturang mga community humanitarian engagements ang mga tanggapan ni Sinarimbo at Macacua at ng physician-ophthalmologist na kasama din nila sa 80-seat Bangsamoro parliament, si Kadil Sinolinding, Jr., na siyang minister ng MoH-BARMM.
Ayon sa mga barangay officials at mga traditional Moro elders sa tatlong mga barangays, malaking tulong para sa mga residenteng sakop nila ang medical missions kung saan nabigyan sila ng mga libreng gamot para sa iba’t-ibang common ailments matapos masuri ng medical teams mula sa MoH-BARMM.
Si Sinarimbo ay naging local government minister ng BARMM bago naitalagang kasapi ng Bangsamoro regional parliament nito lang March 2025 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. (August 13, 2025, Cotabato City Bangsamoro Region

Leave a Reply