Limang magkasabwat sa pamamalakad ng isang tagong drug den ang nalambat ng mga anti-narcotics agents sa Barangay Katubao sa Kiamba, Sarangani nitong Linggo, August 3, 2025.
Kinumpirma nitong Lunes ng mga municipal officials at ng mga miyembro ng multi-sector Kiamba Municipal Peace and Order Council na nakumpiskahan ang limang mga nakadetine ng suspects ng 10.3 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P70,000, ng mga PDEA-12 agents na nagkasa ng naturang entrapment operation.
Ayon kay Benjamin Recites III, director ng PDEA-12 hindi na pumalag ang suspects ng mapunang mga anti-narcotics agents pala ang kanilang nabentahan ng shabu sa Purok 6 sa Barangay Katubao, isang liblib na lugar sa bayan ng Kiamba.
Ayon kay Recites, naikasa ang naturang entrapment operation matapos mag-ulat sa kanila ang mga local officials at mga Muslim at Christian community elders sa Kiamba hinggil sa presensya ng drug den ng limang suspects sa Barangay Katubao kung saan nagsasagawa sila ng mga pot sessions para sa mga parukyanong mula sa mga karatig na lugar.
Suportado ng mga units ng Police Regional Office-12 ang naturang matagumpay na entrapment operation, ayon kay Recites. (August 5, 2025, Kiamba, Sarangani, Region 12)

Leave a Reply