497 bata sa 3 BARMM barangays, natuli ng libre

KAPALAWAN, Cotabato Province (May 1, 2026) — Karagdagang 497 pa na mga batang lalaki mula sa mga mahirap na Moro at non-Moro indigenous families ang natuli ng libre sa relief missions sa tatlong mga barangays sa Kapalawan sa Cotabato sa pagtutulungan ng dalawang mga miyembro ng Bangsamoro regional parliament at ng gobernadora ng probinsya.

Magkasunod na isinagawa, mula April 28 hanggang April 30, sa Barangays Kibayao, Manarapan at Tupig sa Kapalawan ng field public service team ng tanggapan ni Member of Parliament Kadil Sinolinding, Jr., ng community affairs group ng Deseret Surgimed Hospital sa Kabacan, Cotabato at ng mga volunteers ng mga cause-oriented groups ang naturang humanitarian mission kung saan about ng 497 na mga batang lalaki ang kanilang natuli ng libre.

Naisagawa ng naturang “Oplan Tuli” sa tulong ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ni Bangsamoro Chief Minister Abdulrauf Macacua at ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza.

Ayon sa mga kawani ng tanggapan ni Sinolinding sa BARMM parliament sa regional capitol sa Cotabato City, malaki ang ambag ni Chief Minister Macacua at ni Gov. Taliño-Mendoza sa naturang matagumpay na relief mission sa Kapalawan, isa sa walong mga bagong tatag na municipalities sa Bangsamoro Special Geographic Area, sakop ng autonomous regional government, ngunit nasa Cotabato province na nasa teritoryo ng Region 12.

Bagamat hindi na saklaw ng kanyang administrasyon ang naturang walong mga bayan, tuloy-tuloy ang kooperasyon nila Gov. Taliño-Mendoza na siya ring chairperson ng Regional Development Council 12, ni Sinolinding at Chief Minister Macacua sa pagse-serbisyo publiko sa mga residente ng mga barangay sa naturang mga lugar. Si Sinolinding, isang physician-ophthalmologist, ang siya ring kasalukuyang health minister ng BARMM.

Si Gov. Taliño-Mendoza ay kilalang hindi anti-Moro na governor at masigasig na tumutulong sa pagpapalaganap, pagpapalawig ng peace process ng Malacañang at ng Moro National Liberation Front at ng Moro Islamic Liberation Front na may hiwalay na peace agreements sa pamahalaan at parehong may mga representatives sa 80-seat BARMM parliament na pinamumunuan ni Chief Minister Macacua.

Sa tala ng mga nagtulungan sa pagsagawa ng tatlong araw na relief service sa Kapalawan, about ng 497 na mga batang mga Moro ang kanilang natuli. May 235 pa na mga residente ng Barangays Kibayao, Manarapan at Tupig sa naturang bayan na may mga problema sa mata, katulad ng cataract at pterygium, ang kanilang nasuri ng libre at ilan sa kanila ay nakatakda ng gamutin mismo ng eye surgeon na si Sinolinding.

Abot ng 267 na mga bata mula sa mga bayan ng Kabacan at Carmen at Kidapawan City, lahat sakop Cotabato, at ilang mga barangays sa Bangsamoro Special Geographic Area sa probinsya ang natuli ng libre sa mga serye ng Oplan Tuli, dalawang linggo pa lang ang nakakalipas, ng public service team ni Sinolinding, ng mga kawani ng Deseret Surgimed Hospital at ng MoH-BARMM na magkatuwang na sinuportahan nila Gov. Taliño-Mendoza at ni Chief Minister Macacua. []