Mismong ang director ng PRO-BAR, si Brig. Gen. Jaysen Carpio De Guzman, ang nagsabit ng naturang mga medalya tatlong tropa ng Buldon Municipal Police Station, sina Lt. Joselito Radam, Patrolman Esmael Masandag at Patrolman Morad Diamla, sa isang seremonya nitong umaga ng Lunes, July 7, 2025, sa Camp SK Pendatun sa bayan ng Parang sa Maguindanao del Norte.
Sina Radam, Masandag at Diamla ang siyang nagplano ng entrapment operation sa isang barangay sa Buldon nitong June 13, 2025 na nagresulta sa pagkasamsam ng P2.1 million halaga ng shabu mula sa isang babaeng dealer, si Saima Guialoden Mundas, na ngayon nililitis na ng korte sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay De Guzman, nararapat lang na gawaran ng Medalya ng Kagalingan sina Radam, Masandig at Diamla bilang pagkilala sa kanilang malaking accomplishment kaugnay ng anti-narcotics campaign ng PRO-BAR.
Ayon kay De Guzman, malaki din ang naitulong sa naturang entrapment operation ng mga residente at local officials sa Buldon na siyang nagsuplong ng malakihang pagbebenta ng shabu ng suspect na nalambat nila Radam, Masandag at Diamla sa isang operasyong sinuportahan ng mga kasapi ng ibat-ibang mga units ng PRO-BAR. (July 8. 2025)
Leave a Reply