Sampung mga Moro na galing sa tradisyonal na pamanhikan ng isang kamag-anak ang namatay habang labing-tatlo naman ang isinugod sa hospital sanhi ng pagkahulog ang kanilang sinasakyang dump truck sa isang bahagi ng Cotabato-Lebak Highway sa Barangay Christianuevo sa Lebak sa probinsya ng Sultan Kudarat nitong hapon ng Miyerkules, August 6, 2025.
Dayo lang sa Lebak ang mga biktima at pauwi na sana sa Barangay Senditan sa malayong bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte ng maaksidente.
Sa mga ulat nitong Biyernes ng mga lokal na kinauukulan sa Police Regional Office-12 sa General Santos City, namatay sanhi ng matinding mga pasa at sugat sa ibat-ibang parte ng katawan at sa ulo ang ang mga sakay ng dump truck na sina Tods Mamintal, Tahir Nakan, Abylyn Sahipa, Aling Sahipa, Muhammad Digan, Muhammad Macarimbang, Ramon Manoo, Moner Abdullah at dalawa pang mga mga paslit na hindi na pinangalanan.
Nagtamo naman ng maselang mga sugat sa katawan at fractures sanhi ng sina Saidamin Omar, Umbos Uteng, Musib Nakan, Benz Takpan, Ayreen Takpan, Haya Matabalao, Ibrahim Ambolodto, Johair Omar, Alvin Adam, Arbaina Ambolodto, Morsalin Degan, Aiman Pending at Haya Bansalan na agad na isinugod ng mga emergency responders sa Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato City upang malapatan ng lunas.
Sa mga hiwalay na ulat ng Lebak Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at ng mga opisyal ng Lebak Municipal Police Station, paakyat sa matarik na bahagi ng highway sa Barangay Christiannuevo ang dump truck ng nawalan ng control ang driver nito dahil sa mechanical trouble kaya ito lumihis ang bumulusok sa bangin. (August 7, 2025, Lebak, Sultan Kudarat, Region 12)

Leave a Reply